top of page

Sara duterte

PASASALAMAT

July 30, 2024


Nagpapasalamat ako kay Senador Dela Rosa, Senador Go at Senador Padilla, mga AFP at PNP personnel, sa mga kababaihan, at lahat ng ordinaryong mamamayan sa inyong pagtugon sa panawagan ni Senador Bato ng boluntaryong pagtulong para sa aking seguridad. Ramdam ko ang inyong malasakit, pagmamahal at suporta.


Huwag kayong mag-alala sa akin. At hindi ninyo kailangan mag-ambag ng pera para sa security ko. Ang pagtatrabaho sa pamahalaan ay pag-alay ng buhay para sa bayan. Alam nating lahat na bahagi ito ng serbisyo.


Isa lang ang hiling ko sa inyo — ang kaligtasan ng aking pamilya. Huwag ninyong payagan ang anumang karahasan sa aking ina, asawa at apat na anak, personal man o sa internet. At kung sakali man, huwag ninyong palampasin ang sinumang gagawa ng kapahamakan laban sa kanila.


Daghang salamat.


SARA Z. DUTERTE

Vice President of the Philippines

Commentaires


bottom of page