top of page

One on One with Idol Raffy Tulfo.








What will be your priorities/advocacies in the Senate?


When I get to the Senate, I’ll pass legislations to level the playing field para itong mga mahihirap nating kababayan, itong mga naghihikahos, they will have a better fighting chance pagdating sa batas para sila’y makakuha ng hustisya, nang sa gayon e maging patas para sa lahat ang ating mga batas.


Almost 90 percent ng nagpupunta sa akin ay manggagawa at mga OFW na inaapi, inaabuso


kasi sila iyong madaling matapak-tapakan. Iyong kanilang mga karapatan, nadedehado sila pagdating sa batas. So bakit ako bibitaw sa kanila? At sila ang dahilan kung bakit ako napunta sa Senado in the first place.

Kaya naman pag nakarating tayo sa Senado, uunahin natin ang pagpasa ng legislation na


kung tawagin ay wage theft sa mga employer. Now with this legislation na tinatawag kong wage theft, pag amo ka, ibalik mo iyong pera ng ninakawan mong empleyado, plus meron kang kaso na wage theft. Patitikmin ko naman po doon sa mga amo kung papaano iyong sila ay makasuhan at makulong dahil kumupit sa mga mahihirap nating kababayan.


I will also introduce a legislation para magkaroon ng shift to a production-based economy. We will provide them with corporate incentives and tax incentives to invest into these endeavors so it would help generate employment and revenue for our country.



Would we expect amendments/revisions in existing laws?


Isa sa mga una kong isusulong na ma-repeal ay ang Rice Tariffication Act. Sobrang pahirap talaga iyan sa ating mga magsasaka. Marami akong nakikitang mga magsasaka na hindi na feasible sa kanila na maging farmer pa because konti lang ang kinikita dahil binabaha tayo ng murang bigas. Maraming magsasaka na dismayado sa mababang kita mula sa pagtatanim ang nahihikayat na ibenta na lang ang kanilang lupa sa mga developer ng mga subdivision at commercial establishments. Agad-agad, nakapikit, binibenta nila. Pakonti nang pakonti ang ating farmland. Hindi rin natin alam kung napupunta nga ba ang P10-bilyong pondo na inilaan ng batas para sa ayudang pinansiyal at teknikal sa mga magsasaka.


Please comment on the saying “Those who have less in life should have more in law”.

Iyan ay isa sa aking paboritong quote mula kay President Ramon Magsayay. Ibig sabihin nito, dapat mabigyan ng malawakang proteksiyon ang ating mga kapuspalad na mga kababayan sa ilalim ng ating batas. Sa ganitong paraan, magkakaroon ng level playing field ang lahat ng Pilipino pagdating sa batas.


You are known as the ‘kakampi ng mga inaapi’, do we expect objective investigations in aid of legislation? i.e. smuggling, corruption, human rights violations, etc.

Yes I will actively participate in investigations in aid of legislation. Hindi na ito bago sa akin dahil ganito rin ang ginagawa ko sa aking programa kung saan sinisiyasat ko ang mga pangyayari upang malaman ang totoong problema.





Maliban diyan, lahat po ng mga hearings, aatendan ko rin po iyan, as much as possible, kahit na hindi po ako member ng isang committee, I will attend para malaman ko at mabusisi ko ang lahat ng klaseng problema na mayroon sa ating bansa.

Dahil prayoridad ko ang mga manggagawa, I would want to head the Committee on Labor in the Senate para once and for all once and for all mabibigyan ko ng solusyon ang kanilang programa.


Your message po to our kababayans especially regarding your high rating in surveys.

Ako po ay taos-pusong nagpapasalamat sa ating mga kababayan sa patuloy nilang pagtitiwala sa akin. Utang ko po sa kanila ang patuloy kong pangunguna sa mga survey. I am humbled by your overwhelming support. Ang inyong suporta po ay magsisilbing inspirasyon sa akin upang pagbutihin ang aking pag seserbisyo kung ako po ay palarin na makarating sa Senado.


Hindi ko po maaabot ang lahat ng ito kung hindi dahil sa walang-humpay ninyong suporta at tiwala sa aking kakayahang makapaglingkod sa Senado. Hinding- hindi ko po ito makakalimutan.


Recent Posts

See All

Comments


bottom of page