BONG REVILLA, INULAN NG INDORSO SA PAGPASOK NG HULING DALAWANG LINGGO NG KAMPANYA
- lagbasroman
- Apr 29
- 3 min read
Sa pagsapit ng huling dalawang linggo ng kampanya para sa halalan sa Mayo 2025, tila wala nang makapipigil sa pagbabalik sa Senado ni Senador Ramon Bong Revilla matapos siyang ulanín ng mga indorso mula sa mga matataas na lider pulitikal sa buong bansa.
Mula nang magsimula ang 90-day national campaign noong Pebrero a-onse, walang pahinga sa pag-iikot sa mga lalawigan at lungsod ang mambabatas, at ang masipag niyang pakikipag-ugnayan sa mga lokal na opisyal ay nauwi sa bugso ng suporta, mula Luzon, Visayas, hanggang Mindanao.

Sa Metro Manila, hayagang ipinahayag ni Quezon City Mayor Joy Belmonte, kasama ang mga konsehal, 142 barangay captains, at mga SK chairpersons, na si Bong Revilla ang “No. 1 Senator ng Quezon City” — patunay ng tiwala ng pinakamalaking lungsod sa bansa sa kanyang dedikasyon sa serbisyo publiko.
Maging si Senate President Francis “Chiz” Escudero ay nagbigay ng kanyang opisyal na suporta sa senador.

Kabilang sa mga nagbigay ng suporta kay Senator Bong Revilla sa Luzon sina Governor Delta Pineda at Vice Governor Lilia “Nanay Baby” Pineda ng Pampanga; Mayor Arthur Robes at Congresswoman Rida Robes ng San Jose del Monte City, Bulacan; Governor Nina Ynares, dating Governors Ito at Nini Ynares, at Mayor Junjun Ynares ng Antipolo City, Rizal; Congressman Jay-jay Suarez at Mayor Arjay Mea ng Tiaong, Quezon; Congressman Amben Amante ng 3rd District ng Laguna, at LMP Laguna President, Mayor Egay Ramos ng Pila; Governor Boboy Hamor, Congresswoman Dette Escudero, at Congressman Wowo Fortes ng Sorsogon; lahat ng 23 mayors ng lalawigan ng Cavite; Governor Presby Velasco ng Marinduque; Governor Bonz Dolor ng Oriental Mindoro; Governor Monmon Guico ng Pangasinan; Governor Jerry Dalipog ng Ifugao; Governor Boni Lacwasan ng Mt. Province; Governor James Edduba ng Kalinga; at Governor Melchor Diclas ng Benguet.

Sa Visayas naman, wala nang mas mabigat pang indorso kundi ang kay Cebu Governor Gwen Garcia — lider ng pinakamalaking lalawigan sa bilang ng rehistradong botante, na umaabot sa higit 3.4 milyon. Kilala si Garcia sa kanyang matibay na political machinery, at ang kanyang buong suporta kay Bong Revilla ay isang dambuhalang tulong sa kandidatura ng senador.

Kasama rin dito ang pag-indorso nina Governor Toto Defensor at lahat ng mayors ng Iloilo; Mayor Jerry Treñas ng Iloilo City at Congressman Jojo Ang ng Uswag Ilonggo Partylist; Governor Fredenil “Oto” Castro ng Capiz; Governor JC Rahman Nava at Congresswoman Lucille Nava ng Guimaras, kasama ang mga mayors ng lalawigan; Governor Gwen Garcia ng Cebu at mga mayor ng probinsya; Mayor Didoy Suan ng Cordova, Cebu, at Congresswoman Daphne Lagon ng 6th District; at Congresswoman Lollypop Ouano-Dizon ng Mandaue City, Cebu
Sa Mindanao naman, kabilang sa mga nagbigay ng suporta sina Governor Peter Unabia at Congressman Christian Unabia ng Misamis Oriental, kasama ang lahat ng mayor ng lalawigan; Governor Oneil Roque at Congresswoman Laarni Roque ng Bukidnon; Governor Ruel Pacquiao ng Sarangani; Governor Angging Dimaporo, Congressman Khalid Dimaporo, at Congresswoman Sitti Dimaporo ng Lanao del Norte; at marami pang iba.

Sabi ng senador, sobrang nakakataba raw ng puso ang pagbaha ng suporta galing sa mga local political leaders. Ani niya, tinitingnan daw niya ito bilang pagkilala ng naging paglilingkod niya sa bayan mula noon hanggang ngayon.
Pinasalamatan din niya ang taumbayan: “Sa bawat Pilipino na patuloy na nagtitiwala at sumusuporta kay Senador Bong Revilla, maraming, maraming salamat po. Gaya ng dati, hindi ko po kayo bibiguin. Ang panalong ito ay panalo nating lahat.”

Habang papalapit ang eleksyon, mas tumitibay ang imahe ni Bong Revilla bilang hindi lang isang beteranong lingkod-bayan, kundi isang senador na malawak ang suporta, malalim ang koneksyon sa mga lokal na pamahalaan, at may matatag na tiwala mula sa sambayanang Pilipino.

Comments