Ang edukasyon ang isa sa mga pangunahing karapatan ng bawat Pilipino at susi sa kanilang pag-angat sa buhay at pag-unlad ng ating bansa.
Ibinibigay ni Senator Kuya Bong Go ang kanyang buong suporta sa mga kapwa mambabatas sa mga panukalang batas na may kinalaman sa edukasyon na kanilang isinusulong, bilang co-author at co-sponsor sa Senado. Ilan sa mga panukalang batas na ito ang pumasa na sa ikatlo at huling pagbasa noong March 20. Kabilang dito ang Senate Bill No. 1864, o “An act providing for a moratorium on the payment of student loans during disasters and other emergencies.”
Layunin nito na magkaloob ng tulong sa mga estudyanteng may mga pagkakautang pero hindi nila mabayaran sanhi ng mga kalamidad at iba pang krisis. Sa ilalim nito, suspendido rin muna ang pagbabayad ng student loans sa gobyerno, maging ang interes at multa, habang umiiral ang moratorium.
Para kay Senator Kuya Bong Go, hindi dapat maging pasanin ng mga estudyanteng Pilipino lalo na ng mga mahihirap ang pagkakaroon ng de-kalidad na edukasyon.
Source: Sen. Bong Go Facebook Page
Comments