Gigaquit, Surigao del Norte- Nagkabakbakan nitong linggo ang tropa ng 30th Infantry
(Fight On) Battalion, Philippine Army at grupo ng mga teroristang New People’s
Army o NPA sa hindi kalayuang lugar ng Barangay Pungtod sa bayan ng Bacuag,
Surigao del Norte dakong ika-anim at kwarenta’y singko ng umaga (6:45 AM) nitong ika-15 ng Mayo 2022.
Nangyari ang sagupaan habang nagsasagawa ng patrolya ang mga tropa ng 30IB
pagkatapos makatanggap ng sumbong mula sa mga residente hinggil sa presensya
umano ng teroristang grupo ng NPA kung saan sila ay nananakot at sapilitang
nanghihingi ng pagkain sa mga mamamayan sa nasabing lugar at nang biglang
tambangan sila ng armadong grupo na nagkakampo sa nasabing lugar, kung kaya
agad namang gumanti ng putok ang mga kasundaluhan na umabot sa mahigit
kumulang na trenta (30) minutos ang palitan ng putok.
Pinaniniwalaan na mula sa Sandatahang Yunit Pangpropaganda (SYP) 16C2 at
16C1 ng Guerilla Front 16, Northeastern Mindanao Regional Party Committee
(NEMRC) na pimumunoan nina Alberto Castañeda @JD at Roel Neniel @ Jacob
ang grupo ng NPA na nakasagupa ng tropa ng pamahalaan na umatras din
pagkatapos silang makubkob.
Nasamsam ng kasundaluhan ang isang Cal 5.56mm AR15 rifle, isang M203
Grenade Launcher, labin-tatlong (30) pirasong mga bala ng AK47 rifle, labin-
dalawang (20) pirasong mga bala ng M16 rifle, isang detonating device para sa iligal
na pampasabog o improvised explosive device (IED), subersibong dokumento at
mga personal na kagamitan ng mga rebelde.
Kung matatandaan, kaparehong grupo ng teroristang NPA ang nakasagupa din ng
kasundaluhan ng pamahalaan sa karatig na lugar sa Brgy Payapag, Bacuag,
Surigao del Norte nitong ika-28 sa buwan ng Abril 2022 na kung saan nakuhaan din
ang NPA ng mga iba’t ibang kagamitang personal at pandigma.


